Pages

Qoute of the Day

Thursday, June 26, 2014


FOODTRIP NG BARKADA

Monday, June 23, 2014

#THROWBACK FOODTRIP 

TOTOONG BARKADA

Me & My Barkada
barkada. isang samahan ng mga tao na nagsasayahan, naghahanap ng trip, umiinom, nagdodroga, nagbebenta ng laman at kung anu-ano pa. (hindi kami nagdodroga at nagbebenta nang laman huh!) haha! siryoso. ang barkada ay binubuo ng mga ibat ibang klase ng tao. may joker, may tahimik lang, may napaka daldal, may siga, may inaasar palagi, may utusan, may mayabang, may pogi, may panget, may mayaman, may buraot, may babaero, may bakla, may namamakla, may rakista, may pamilyado na, may sawi sa pag.ibig, at may maka Diyos.
kapag nagsamasama sa isang barkada ang ibat ibang klase nang tao, anu pa ba ang hahanapin mo? (anu nga ba? edi gulo! JOKE! MALAMANG MASAYANG TRIP! :)) sa loob ng barkada hindi maiiwasan ang tampuhan, pagiging dominante ng ibang miyembro ng barkada at mga alitan sa loob din ng samahan. sa isang barkada may tumatayo ding isang leader na syang nagpaplano sa kung anong gagawing trip ng barkada. yung tipong sya yung pasimuno ng kung anong kalokohan ang gagawin. haha.
may barkada din ako, madaming grupo. at may isa akong barkadang pinaka hindi ko makakalimutan. ang barkadang PERWISYO. oo PERWISYO talaga ang barkada namin, perwisyo ang tinawag namin sa barkada namin dahil kapag nagsasama sama kami dati panigurado may gulo o may maganda/panget na balitang kakalat sa lugar namin. ahaha. hindi ko ikinakahiya itong barkadang ito kahit nagawa namin yung mga bagay na nakakaperwisyo talaga sa ibang tao (hindi ko na sasabihin kung anu ahh. secret ko na yun! XD). masaya ako kapag kasama ko ang barkada ko. sila ang takas ko sa mga problema ko, problema sa bahay, sa eskwela, at sa problema sa pamilya. kapag kasama ko sila, nakasuot ako nang masayang maskara. 

kung anu anong trip na ang nagawa ko kasama ang barkadang ito, may tipong pati dumi nang tao pinagtripan namin. haha. mayroon ding simpleng trip lang. road trip, bar, inom sa kanto at magpaka lasing. may mga nahiwalay din sa barkada dahil sumama sa ibang grupo. at mayroon din namang nadagdag at nagstay sa grupo. madami din kaming trip na kelangan nang pondo at hulugan galing sa mga miyembro. swimming at xmas party. at ang pinaka masaya ay ang mga birthday party! (kase libre lahat at malamang may roadtrip at bar pa!) nakakamiss ang ganitong samahan. masasayang tao ang mga kasama mo kahit saan kayo magpunta. nakakawala nang problema.
ang barkadang perwisyo, ang barkadang kinalakihan ko. mga taong kilala lang ang isang parte nang ako. 
pasensya na kung hindi na ako nakakasama sa inyo mga PERWISYO. madami lang akong inaasikaso, inaayos at pinoproblema. babawi ako sa inyo kapag nagkitakita ulit tayo. sana hindi kayo magtampo sa akin; at sa araw na makasama ko ulit kayo eeh sana hindi ako maiwanan sa kanto at makakonek pa din ako sa inyo. O SYA! SAAN NA KAYO!!!. SHOT NA !  :)

Barkada Quote Of The Day

Wednesday, June 18, 2014


 

Enter your email address:

Most Reading